hehe... out na rin grade namin sa psych110 (stat)... 1.75...  hay... nu ba yan?! mataas naman na cya pero di ko lam alam kung mataas cya in comparison sa mga classmates ko... kasi sabi mataas naman daw talaga magbigay ng grade ung prof ko na un eh kaya baka ang 1.75 ay so-so grade lang...
Posted by four140 on October 20, 2007 at 02:07 PM | 2 evaluations

nalaman ko na grades ko sa dalawang subj... anthro185 at natsci1(physics and chem)

sa anthro: 2.25

sa natsci1: 1.75

so far, 2.00 pa lang GWA ko!!!!!! i hope mas matataas pa mga grades ko sa ibang subjs para mahila ang GWA ko... i still want to be a CS noh!!! kung pwede nga sana US eh...

Posted by four140 on October 17, 2007 at 06:39 PM | 3 evaluations

share lang ng experience kung saan medyo na-aapply ko ang natutunan ko sa 140...

kasi for this sembreak, bumili ako ng puzzle para buuin ko at parang past time na rin. so un, 1000 pcs cya na puzzle na 0.5in ung laki ng bawat pieces... picture/painting cya na napoleon crossing the alps... sinimulan ko cyang gawin last weekend (binili namin nung bday ko, oct6) tapos ngayon medyo 1/5 na ang nagagawa ko. hehe.

bakit nasabi kong naapply ko ang 140 knowledge ko? kasi dun sa mga tinuro ni sir sa amin, marami akong chracteristics na napapansin sa akin na kapareho nung tinuro nya...

una, intrinsically motivated ako. wala namang nagsabi sa akin na bibigyan nila ako ng prize pagnatpos ko ung puzzle diba? di rin naman ako bibigyan ng award? basta ang sa akin lang, masaya ako at fulfilling pagnatapos ko yun ng pinaghirapan ko... basta masaya lang yung feeling, tapos parang everytime na may part akong natatapos, natutuwa ako ng husto... feeling ko achievement na un para sa akin...

2nd naman, ung concept ng FLOW!!! sobrang evident to sa akin ngayon... ung tipong kahit may merienda sa baba, pero ginagawa ko yung puzzle ko, di ako bababa... o kaya sa kakagawa ko ng puzzle, di ko namalayang midnyt na pala... hehe... dnt know if that's a good thing or a bad thing. pero i guess medyo may pagkabad cya kasi lagi na lang masakit ang ulo ko pagkagising (accdg to my mom, eyestrain na daw un kasi ang liliit ng pcs tapos tinititigan ko ng husto)

3rd naman, self regulation... self-regulation kasi parang nadidiscipline ko na ung sarili ko na wag katamaran ung isang bagay na un kahit mahirap cyang gawin... dati kasi may mga bagay din akong gustong gawin pero di ko natutuloy o natatapos kasipuzzle piece ko kakatamaran ng gawin kasi mahirap na... pero ngayon, decided and determined akong tapusin itong puzzle na ito... yung expectancy ko mataas (It means i know that i have what it takes to finish that puzzle. I have the time, the mind (brains) and the dedication to do it.) and ung value nung outcome na un ay mataas din para sa akin (Meaning: Magiging sobrang saya ko kung matapos ko ung puzzle na un, ipapaframe at ipopost ko cya sa room ko)

un lang naman... hehe... parang ito na rin ung part 3 (final part) ng learning project ko... analysis and synthesis... hehe... pero cyempre may dagdag pa...

Currently listening to: Why Can't I
Currently feeling: happy
Posted by four140 on October 10, 2007 at 04:48 PM | 3 evaluations

nakapost na sa site namin yung grade ko sa anthro185... 2.25... nakakabanas!!! elective un eh!!! argh!!! kasing grade nya ung bio1 ko last sem... hay... baka mahila na naman nito ang grade ko sa iba.

eto kasi un... dis sem talaga, hirap kasi ako sa mga schoolworks. first year ko kasing commuter araw-araw (kasi last year, boarder ako) kaya todo adjust yung katawan ko with the pollution, pagod, stress pag di makasakay, hassle pag umuulan... tapos nandun pa minsan ung nakikipag-agawan ka talaga pagsasakay ng jeep. (external, unstable, uncontrollable attributions)

tapos sabihin na rin nating, emotionally draining ang sem na ito. ang daming serious away with a friend (na natataon pa madalas sa may exam) tapos sa bahay naman, mga problems din dito. (external, unstable, controllable attributions)

isa pang reason kung bakit sa tingin ko nahirapan ako dis sem ay dahil medyo naging irresponsible na akong student ng konte. pagnakita kong maraming gagawin, high anxiety agad kaya napapagod at di na nagagawa ung mga works ng matino. (internal, unstable, controllable attribution)

lastly, mahirap talaga ang mga subjs na natake ko ngayon. sa natsci, na-assign sa amin ung worst profs daw ng natsci for both for physics and for chem. sa anthro naman, masyadong demanding yung prof namin, puro papers, tapos exams ay essays pero ambaba maggrade... masyadong mataas ang standards nya. sa stat naman, di pa pinapakita sa amin hanggang ngayon standing namin kaya para kaming nangangapa sa dilim. sa artstud, enjoy cya pero medyo demanding din mga reqts. sa 140, okei naman pero natatakot pa rin ako. (External, Stable, Uncontrollable attributions)

 pwede ba yun? marami kang different kind of attribution occuring at the same time? i guess pwede kasi eto talaga ung mga nakikita kong reasons kung bakit "nagstruggle" talaga ako ng husto dis sem...

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: tired
Posted by four140 on October 7, 2007 at 07:08 PM | 2 evaluations

ψ140, ψ110

hehe...dahil kelangan may equal attention sa bawat projects, i-uupdate ko pa rin etong learning project ko.

i have 2 exams tomorrow, 140 at chem part ng natsci. haha... yan yung chem part na parang buong chem 16 ko and bio1 compressed in half a semester. Last tuesday, super nirush nya ang mga bagay-bagay. nagstart kami sa organic chemistry part: hydrocarbons, alcohols, phenols, aldehydes, carboxylic acids... and so on. kala namin dun na natatapos, tapos biglang sabi nya "okei let's proceed to biochem" so parang kami, "what?!" so cyempre biochem, what do you expect: proteins, carbohydrates, amino acids... and so on. tapos 15 mins before the time, bigla cyang humirit, "okei materials chem naman". dun ko nalaman na there's such thing pala as materials chemistry bout un sa: liquid crystals, plastics, biomolecular materials... and so on. tapos nung 5 mins na lang, humirit pa rin cya "env't chem" naman daw sandali na lang... so un: air pollution, toxic waste, atmospher pollution (dito ko lang nadifferentiate ang air pollution sa atmospher pollution)... and so on. sa isang meeting, nakadiscuss kami ng 4 chapters ng readings, kaya ang coverage ng exam namin ay 7 chapters.

as you can see, mas narerecall ko ang mga bagay-bagay kapag iniintegrate ko cya sa mga bagay na gusto kong gawin like blogging. Hot cognitions kumbaga. kung ang isang information ay wala naman talagang counterpart na affect on its own, edi lalagyan/kakabitan ko na lang yung informations na yun ng affect na appropriate naman  para mas maalala ko cya, diba? gaya nito!

Currently listening to: I Need You
Currently feeling: better than yesterday
Posted by four140 on October 4, 2007 at 10:57 PM | 1 evaluations

may pinafilm review sa amin na film (malamang).... Imahe Nasyon... boring cya sa totoo lang. 20 short indie films, same actors and same theme (nationalism).

medyo mahirap magets ung tunay na pinapahiwatig ng bawat isa. akala mo kasi simple lang ung story pero may super deep meaning na counterpart nito... nasa film 13 palang ako.

4-5pages long ung paper na gagawin ko dito bout sa 20 short films na boring naman. i need to organize my thoughts na!

 sa wakas, nakapasok na rin ako sa crs... after 10 years of waiting... at in fairness, mabilis na cya!!! wahaha!!! cguro mga 1am na ako makakatulog nito (sana wag naman)

Currently listening to: airplane passing by
Currently feeling: tired
Posted by four140 on October 1, 2007 at 10:56 PM | 2 evaluations
« Newer · »